HINDI makapaniwala si Falcon sa ginawa ni Dra. Regina sa kanya. Ganun pa man masaya siya ibig sabihin mahal siya nito dahil nagseselos ito sa babaeng kasama niya. “Pagkatapos ng mga nangyari sa ating dalawa nagagawa mo pa rin ngumiti?” hindi makapaniwala si Phoenix na masaya pa ang kaibigan. “She loves me, nagseselos siya kaya galit ng makitang may kasama akong ibang babae ” sagot niya sa kaibigan si Phoenix. “Paano ka nakakasiguro?” muling tanong ni Phoenix sa kaibigan, wala siyang idea paano malalaman kung hanggang ngayon gusto pa rin siya ni Atty. Florida. “Nararamdaman ko.” Proud na proud siya sa sarili habang may malapad na ngiti. Kabaliktaran ni Phoenix, na tila pasan ang mundo at mukhang problemado. “Ang mga ngiti na ganyan ay kabaliktaran ng mangyayari.” ani Red bago tumawa