NIYAKAP agad ni Dra. Regina ang bata ng makita ito. Halos isang buwan na ang nakalipas magmula ng kunin niya ito sa grupo ni Kaye. “Tita Inah, i miss you, bakit po ang tagal mo?” “Busy si Tita Inah sa trabaho pero ngayon narito na ako ay magkasama tayong mamamasyal. “Anak, sinabi na namin sa kanya ang totoo.” ani ng ama niya. “Ahm… Kiddo, doon ka muna sa play room. Mamaya pupuntahan kita doon, okay? Yaya paki hatid mo siya doon.” “Opo, Princess Regina.” “Go! Sumama ka muna kay Yaya. “Opo, Tita Inah.” nasundan na lang ng tingin ni Dra. Regina ang bata. “Dad, bakit nyo ginawa yon?” “Dapat lang, upang hindi siya umasang meron pa siyang ina. Kinausap ko na rin ang Uncle Vince mo tungkol sa rehistro ng bata. Siya na raw ang bahala maging legal adopted mo siya.” “Salamat po daddy, per