UMALIS si Charlie ng hindi nalaman ni MC. Siguro sinadya nitong hindi magpaalam sa kanya o talagang iniwan nito siya dito sa bahay. Kahapon pa meron siyang faver kaya siguro masama ang kanyang pakiramdam. Ilan lang sa mga bodyguard ang kanyang kasama dito sa bahay. Hindi niya alam kung saan nakuha ang lagnat at sipon. Pero nagsimula ito pagkagaling nila ng Maynila. Ganun pa man ginagawa niya ang kanyang responsibilidad. Nang masiguro na malinis na ang silid at banyo ni Charlie ay tinungo ang kanyang kwarto. Hindi na niya kaya ang katawan. Mabilisan nag half bath bago nahiga. Pero bago yon ini-off ang AC pagkatapos ay nag talukbong ng comforter. Giniginaw siya at hindi malaman kung paano mababawasan ang matinding lamig na nararamdaman. A few hours later… Mainit ang ulo ni Charlie ng h