TUMAKBO siya at agad na binuhat si Marcelo. Sobrang nangulila siya sa bata. “Bakit mommy ang tawag mo sa akin?” “Sinabi po ni Daddy Dos, ikaw daw po ang magiging mommy ko.” hindi niya napigilan sulyapan si Falcon. Pero mabilis din binawi ang mata dito ng kindatan siya. Pakiramdam niya nag-init ang kanyang mukha. “Halika sumama ka sa akin.” aniya kay Marcelo bago iginiya ang bata. “Saan mo po ako dadalhin, Mommy R?” nais niyang tumawa lalo kapag tinatawag siya ni Marcelo ng ganun ngunit nakatingin si Falcon. Baka isipin pa nito na kinikilig siya pero masaya siya na muling magkasama sila ng bata. Dinala niya ito sa kanyang resthouse… teka muna paano nalaman ni Falcon ang tungkol sa isla na ito?” “Nagtataka ka ba, sweetheart kung bakit nasundan ka namin dito?” napa simangot siya pati ba