WALA na siyang kawala, dala ang PT lumabas siya at pinuntahan si Falcon. Nang makita siya nito ay agad na sinalubong. Ngunit hindi pa man lang nakakalapit sa kanya ay ibinato na niya dito ang hawak. Saka siya tumalikod at naglakad pabalik sa loob ng rest house. “Sweetheart! Ano ba itong binigay mo sa akin?” nagtataka na muling tiningnan ni Falcon ang hawak. Ngayon lang siya nakakita ng ganun bahay. Pinasok sa bulsa bago sinundan si Dra. Regina. Ngunit pagdating sa loob ay hindi na niya ito nakita pa. Nagpalingan linga siya nang may babaeng bigla na lang lumapit at hinalikan siya sa pisngi. “Ms. Bakit mo yon ginawa, kilala ba kita?” “Patawa ka pa rin babe, lagi mo na lang akong ginogoodtime. Kailan lang magkasama tayo, huh!” “Itinulak ni Falcon ang babae palayo sa kanya ng makita si Dr