BAGO pa lumaki ang tiyan ni Dra. Regina nagpakasal sila. Kagaya ng nais nila doon sila kinasal sa maliit na isla. Pamilya at malalapit na kaibigan ang sumaksi sa pag-iisang dibdib nila ni Dos Montero at Dra. Regina. Ang project ni Dos ay sinimulan na niya, ganun din ang mga bangkang pangisdaan para sa mga residente na nakatira sa isla. Para kay Dos Montero, lumaki sa magulong lugar kahalubilo ng mga taong halang ang kaluluwa. Kabi Kabilang murahan, sigawan, bugbugan at p*****n. Ngayon masasabi niyang nahanap na niya ang katahimikan at katiwasayan ng buhay sa piling ng asawang si Dra. Regina. 1-YEAR LATER… Magmula ng manirahan sila sa isla na yon ay walang puwang ang lungkot. Puro saya at kaligayahan ang kanilang nalalasap. Apat na buwan na ang bunso nila at si Marcelo ay mas naging