"Sino'ng excited?" baling ni Sica sa mga anak na nasa backseat. She seated on the shotgun seat and her husband was driving. Nagkatinginan sila ni Gab at parehong napangiti. "Me!" halos sabay na sabi ng dalawang bata sa likod. Napangiti lalo si Sica habang pinagmamasdan ang mga anak. Kuhang-kuha nito halos lahat sa hitsura ni Gab. Buti nga at mukhang hindi naman nasali ang kasupladuhan ng mga ama nito. Ngayon ay ihahatid nila ni Gab ang mga anak sa school. First time ng mga ito na papasok sa eskwela kaya kita rin nila ni Gab ang excitement sa mga anak nila. Time flies fast. Parang kailan lang noong baby pa ang mga ito ngayon ay malalaki na at nakakapagsalita na at malilikot. Normal naman iyon dahil bata. Hindi rin naman gaanong nahihirapan si Jessica sa pagpapalaki sa kambal dahil