"Ready?" Tumango si Sica kay Gab. It was a gender reveal party para malaman na nila kung babae ba o lalaki ang baby nila ni Gab. Pareho silang may hawak na pins pantusok sa isang malaking loob. Nagbilang ang mga invited nila at sabay nila ni Gab na pinaputok 'yong dalawang lobo. Pink 'yong kay Gab habang blue naman 'yong kay Sica. Nanlaki ang mga mata niya at nagkatinginan sila ni Gab. "Kambal ang magiging anak n'yo, ate!" si Lalaine na natutuwa. Nagpalakpakan ang mga imbitado nila. Yumakap si Sica kay Gab at niyakap din naman siya ng asawa. Nahirapan din si Gab sa paglilihi ng asawa. Minsan may pinabiling pagkain sa kanya si Sica at nahirapan pa siyang hanapin 'yon tapos pagkabalik niya sa bahay nila ayaw na raw kainin ni Sica. And his jaw would drop. Nagpakahirap pa siya at hindi