Agad bumalik ng Manila si Gab nang malaman mula kay Lalaine na sinugod ang ate nito sa hospital. He was worried. Umalis lang naman sana siya sandali para bigyan ng time si Jessica. Obvious kasi sa babae na parang ayaw siya nitong makita. "Gab!" nanlalaki ang mga mata ni Jessica nang makita siya nitong pumasok sa private room nito. "Jess-" nanlaki na rin ang mga mata niya nang makita itong sunudsunod na lumuha. "Jessica," lumapit si Gab sa kama ni Sica at dinala ito sa mga bisig niya. "Bwisit ka! Akala ko namatay ka na!" hinampas pa ni Sica ang braso niya habang yakap niya ito. "Hindi ako namatay. Hindi naman ako nakasali doon sa ambush." he said and kissed the top of her head. Umiiyak pa rin si Jessica. "Bakit ka ba kasi sumama pa doon, ha? Alam mo namang delikado. Kamamatay la