Naliligo sa sarili nitong dugo ang taong pinasok sa Emergency. Natigilan pa si Sica at parang hindi pa rin nasasanay. Napalingon siya nang marinig si Gab na siya mismong maagap na sumalubong. Parang doon pa lang siya nakagalaw nang makita ang lalaki. Tumulong na rin siya sa pagtulak ng bed papasok sa ER. Nagkatinginan pa sila ni Gab hanggang sa naiwan na siya sa labas. Sandali siyang nakatayo lang doon hanggang sa tuluyang nakabalik sa senses niya at unti-unti iyong tinalikuran. Si Gab... Bumalik na naman ba ito sa dating buhay nito na puro ospital lang? Simula nang nakabalik siya sa duty ay hindi pa siya dumadating at umaalis ng hospital na hindi ito nakikita. Hindi na naman siguro ito madalas umuwi sa mansiyon at nilulunod na naman ang sarili rito sa ospital. Well, that's already h