15

1377 Words

Pero muli rin tinawagan ni Sica ang lalaki. Baka sumugod iyon at gumawa ng kung ano doon. Sinagot din naman agad ni Jr ang tawag niya. "Jr, huwag ka nang pumunta rito. Hindi pa ako uuwi. Narito rin sila Nanay. Nagluluksa ako sa Lolo ko kaya respetuhin mo naman sana." tuluy-tuloy na niyang sinabi. Hindi nagsalita si Jr sa kabilang linya at ito naman ang nagbaba ng tawag sa kaniya. Bumuntong-hininga nalang siya at bumalik na sa loob. Akala niya ay nagbago si Jr. Okay naman ito noong nililigawan pa siya... Biglang parang hindi na niya maintindihan ang lalaki. Noon ay may pasensiya siyang intindihin ito. Ngayon hindi niya alam. Naabutan niyang nasa ganoong ayos pa rin si Gab. "Lalaine," tawag niya sa kapatid. "Ate," lumapit naman ito sa kaniya. Inabot niya rito ang pagkaing tinanggihan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD