"Gabrieeel!" sigaw ni Sica nang makita kung ano ang regalo ni Gab sa kaniya. Excited pa naman siyang mabuksan iyon kaya dali-dali siyang bumalik sa kama niya pagkasara ng pintuan ng kaniyang kuwarto. Tiningnan ni Sica ang nakalatag sa kaniyang kama na dalawang dosena yata ng lace underwear. Gusto niya sanang sugurin ngayon si Gab pero inisip din niyang pagod ito galing sa ospital. Kaya ipagpapabukas na lang niya. Ano ba ang iniisip ng lalaking 'yun? O siguro ay gusto lang siya nitong asarin? Hindi niya alam na marunong na palang mang-asar ngayon si Gabriel Angeles. Habang tatawa-tawa naman si Gab sa kanyang kuwarto. Hindi niya narinig ang sigaw ni Sica sa kabilang silid dahil hindi naman manipis ang dingding. Pero sa isip niya ay naiimagine na niya ang reaksyon nito na nakita ang p