"Alam mo 'yung akala mo road to forever na tapos biglang naging cold siya sa 'yo?" "Wala nga kasing forever. 'Di ba sinasabi mo 'yan noon?" sagot naman ng kaibigan kay Sica. Tiningnan ni Sica si Aya. May binabasa itong isa sa mga libro nito sa med school. Nagkakilala sila noon at naging magkaklase sa Nursing bago pa man siya nahinto. Hindi siya ganoon kapalakaibigang tao at ganoon din naman si Aya kaya siguro naging mag-bestfriends sila. At dahil nahinto siya ay nauna itong makatapos at ngayon nga ay nag-m-med school na. Nang makalibre si Sica ay binisita niya ang kaibigan na nakatira na ngayon sa condo ng boyfriend nito. Patay na patay talaga si Aya kay Louie na playboy naman at pumayag pa ang kaibigan niyang makipag-live in sa lalaki. "Pero, Jessica, ha! Ang hot din niyang si Docto