“JUST an advice. Don’t tell him, Ate Chris. Huwag mong sabihin kay Kuya Ty na ikaw ang nakabunot ng espada,” may pakiusap sa tinig na wika ni Gale sa akin. Nasapo ko ang aking noo. “Wait. I-I don’t get it.” Ano ba ang pinagsasasabi nito? Gale was starting to confuse me with her words. Bakit sinasabi niyang nakita niya ako kagabi na siyang bumunot sa Silveria’s greatsword ganoong hindi naman ako lumabas ng aking— Nahinto ang mga sumasalakay na mga katanungan sa aking isip nang biglang manakit ang aking ulo. “Kuya Ty, he really despised that sword for making his life miserable way back then,” patuloy na seryosong pahayag ni Gale. “I remember when uncle always lock him in his room whenever there’s a she-wolf Kuya Tyron liked. And I also witnessed how one of those poor girls was kille