PUNO ng tensyon na humakbang ako patungo sa bintana ng silid ni Clein. “I don’t understand. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita ang bumunot ng espada?” may pagtataka at may kahalong pag-aalala na anas ko. Clarence Moon sighed and walked towards me. “Hindi ko rin alam, chip. Wala pa ring makuhang clue ang mga trackers sa kung sino ang may hawak ngayon ng Silveria’s greatsword. Dahil nasa harapan ng mansyon ang dating kinapuwestuhan ng espada ay maraming bakas ng mga paa ang nakita roon na lalong nakapagpagulo sa paghahanap.” Tumango ako bagama’t marami pa ring tanong ang naglilitawan sa aking isip. Tyron said that he loves me but I was still unsure of the situation. Paano kung magkaharap na sila ng bagong Master ng Silveria Greatsword? Paano kung magbago ang isip at nararamdama