Chapter 3
“Goodbye, class. Huwag ninyong kalimutan gawin ang mga takdang-aralin ninyo, okay? See you tomorrow.” Paalam ni Lucylyn sa mga estudyante niya sa anim na baiting.
“Goodbye, Ma’am Lucy. See you tomorrow po,” sabay-sabay na sagot sa kanya ng mga ito.
“Mag-ingat kayo.” Nginitian niya ang mga estudyante niya.
Pinanood ni Lucy ang mga bata na lumabas ng silid. Nang wala ng naiwan na estudyante sa loob ay kinuha na ni Lucylyn ang mga gamit niya at pagkatapos ay isinara na’t ni-lock ang pinto ng silid.
“Ma!”
Nilingon ni Lucylyn ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang anak na tumatakbo papalapit sa kanya. Nahirapan pa itong tumakbo papunta sa kanya dahil sa nakasukbit na bag sa likod nito.
“Don’t run, Brielle. Baka madapa kang bata ka.” Suway niya sa anak ngunit hindi siya nito pinansin sa halip ay tinawanan lang siya nito.
Napa-iling na lang siya. Nang huminto si Brielle sa harapan ni Lucylyn ay kinuha niya ang bag nito.
“Ikaw talaga,” Lucy pinch her daughter’s cheek. “Sa susunod ay huwag ka nang tatakbo at baka madapa ka.” Bilin ni Lucylyn kay Brielle.
Brielle nodded at her. “Opo, Mama.”
Ngumiti din siya saka hinawakan ang kamay ng anak. “Let’s go… siguradong naghihintay na sa atin ang Papa.” At tinungo na nila ang daan palabas ng eskwelahan.
Sumakay si Lucylyn at Brielle sa tricycle na dumaan. Bago umandar ang tricycle ay sinabi na niya ang destinasyon nilang dalawa.
Hindi naman kalayuan ang shop ng asawa niyang si Jeremiah kaya naman mabilis lang din nilang narating ang shop. Ihahatid ni Lucylyn ang anak sa asawa dahil may kailangan siyang kausapin at dadaan din siya ng grocery store para bumili ng mga stock nila sa bahay.
Nang huminto ang tricycle ay bumaba na si Lucy at pumunta sa harap ng driver para i-abot ang bayad nila. Pagkatapos iabot ang bayad ay tinulungan na niya ang anak na bumaba habang bitbit niya ang mga gamit nila.
When Lucylyn faced the shop, she saw an unexpected guest talking to her husband. Kausap ni Jeremiah si Felix, isa sa mga kilala sa lugar nila dahil sa pagiging dealer nito ng ipinagbabawal na gamot. Hindi agad siya nakakilos dahil sa gulat lalo na at ito ang unang beses na nakita niya si Jeremiah na kausap si Felix.
O, ako lang ang nag-aakala na iyon ang unang beses?
Lucylyn shook her head to clear her mind. Because of Felix, she’s doubting her husband. In the first place, Lucylyn knew what Felix was capable of. Bumalik lang siya sa sarili ng tawagin ni Brielle ang ama.
“Papa!” Brielle calls her father, the reason to get their attention. “Mama, let go of my hand. Pupuntahan ko si Papa.” Ngunit nagmatigas siya, hindi niya binibitawan ang kamay ng anak.
Hindi umalis si Lucylyn sa kinatatayuan niya. Pinagmamasdan lang niya ang asawa at si Felix. Kumunot ang noo niya ng makita niya na may inabot si Felix sa asawa niya na papel na sa tingin niya ay calling card. Laking pasasalamat din niya ng magpaalam na ito kay Jeremiah. Bago tuluyang umalis ang lalaki ay nakita pa niyang nginitian siya nito.
Nang umandar ang sasakyan ni Felix ay saka lamang binitawan ni Lucylyn ang kamay ni Brielle at hinayaan na takbuhin nito ang pagitan nilang mag-ama.
“Papa!” Tawag ni Brielle kay Jeremiah habang tumatakbo ito.
“My princess,” nakangiting sinalubong ni Jeremiah si Brielle. Agad nitong binuhat ang anak nila pagkatapos ay hinalikan sa pisngi.
“Papa, tingnan mo po yung kamay ko ang daming stars. Sabi ni teacher very good daw ako kasi lagi daw ako nag-participate sa klase. Naka-perfect din po ako sa test naming kanina,” sumimangot si Brielle. “Hindi ko po mapakita yung test ko kasi kinuha ni teacher yung papel naming pero ibabalik naman daw po niya iyon sa next meeting naming kaya nest time ko na lang sayo papakita, Papa.”
Napatawa si Lucy at Jeremiah sa dami ng kwento ng anak nila. Matalino na bata si Brielle, madalas din siyang makatanggap ng papuri sa kapwa niya guro at lahat ng iyon ay magaganda, maliban na lamang kung umandar ang pagiging topakin nito.
Nilapitan niya ang mag-ama niya at binati ang asawa. “Hey, hon,” she kissed her husband on the cheeks as she greeted him.
“Pasensya ka na at hindi ko kayo nasundo.” Ani Jeremiah at ibinaba ang anak nila. “Masyado kasi maraming ginagawa dito sa shop. Sorry, hon.” Hingi nito sa kanya ng paumanhin.
Speaking of… Lucylyn needs to clarify things between Jeremiah and Felix. Felix is a dangerous man, and hindi niya magugustuhan kung magiging malapit ang asawa niya dito dahil natitiyak ni Lucylyn na mapapahamak lang ito.
She gave him a smile. “I understand.” Lucylyn faced her daughter, “Brielle, pasok ka muna sa loob ng shop. Mag-uusap lang si Mama at Papa.”
“Okay, Mama.”
Ibinigay niya ang mga gamit nito. Pinanood ni Lucylyn na pumasok sa maliit na shop ang anak. Nang mawala na ito sa paningin nila ay saka lamang hinarap ni Lucylyn ang asawa para masinsinan itong kausapin.
“May problema ba, hon?” tanong ni Jeremiah sa kanya.
She faced her husband, Jeremiah, and looked directly into his eyes. “Anong ginagawa dito ni Felix? Bakit kausap ka niya? Anong kailangan niya sayo?” Sunod-sunod na tanong ni Lucylyn kay Jeremiah.
Jeremiah approached her. He suddenly wrapped his hand around her waist. “Why so serious, hon? Napadaan lang naman si Felix sa shop.” Balik na tanong nito sa kanya tila ba umiiwas ito sa mga tanong niya.
Napadaan? Gustong matawa ni Lucylyn sa sinabi ng asawa.
“Hindi ang tipo ni Felix ang dadaan sa shop ng walang kailangan sa iyo.” Inalis niya ang pagkakapulupot ng kamay nito sa bewang niya. “I’m asking you what is he doing here, Jeremiah? What does he need from you? You know how dangerous he is, Jeremiah, especially now that his kind was being targeted by the police.”
Alam ng asawa niya na kapag tinawag niya ito sa pangalan nito ay galit na siya kaya dapat sa mga oras na ito ay sabihin na nito sa kanya ang totoo kung ayaw nito na mag-away silang dalawa.
Humugot ng malalim na buntong hininga ang asawa bago sagutin ang katanungan niya. “Are you mad? Please, huwag ka na magalit… Fine, I’ll tell you, dumating dito si Felix kanina para ipaayos ang sasakyan niya. At nung nakita mo kami kanina nag-uusap ay noon pa lang niya binalikan ang pinagawa niyang sasakyan. I promise, hon, walang ako/ kaming ginagawa na masama. Believe me, hon, I’m telling you the truth.”
Para ba na nabunutan ng malaking tinik ang dibdib ni Lucylyn dahil sa sinabi ng asawa. Nawala ang mga pangamba niya at haka-haka na baka may balak gawin si Jeremiah na may kinalaman kay Felix. Malaki ang tiwala niya dito kaya naniniwala siya sa sinasabi nito.
“Ganon ba?”
Jeremiah nodded at her and smiled. “Yes, hon.”
Lucy smiled, “I’m sorry… I’m just worried about you. Ayoko lang din na malagay ka sa panganib dahil sa kay Felix. And I don’t want you to have any connection with Felix.”
Inisang hakbang ni Jeremiah ang pagitan nilang dalawa at mahigpit siya nitong niyakap. “Naiintindihan ko. Alam ko naman na nag-aalala ka lang sa akin.”
I am. You and Brielle are the family I only have.
Gumanti siya ng yakap sa asawa. Isiniksik niya ang sarili sa katawan nito. Nasa ganoong posisyon sila ng tumatakbong dumating si Brielle.
“Yehey! Hug! Family hug!”
Natawang idinipa ni Lucy at Jeremiah ang kanilang kamay para salubungin ito. Agad nilang niyakap ng mahigpit ang anak ng huminto ito sa harapan nila.
For Lucylyn, her family is almost perfect behind the difficult life they had. Masaya at kuntento na siya sa mayroon ngayon ang pamilya niya. Masaya kahit na mahirap at least ay buo silang pamilya. Her husband and daughter are the only family she has. And she will treasure that family until her last breath.
“I almost forgot the time. Mag-alas kwatro na pala, baka naghihintay na sa akin si Mrs. Dawson.” Humiwalay siya sa yakap ng anak at asawa.
“Aalis ka na ba?” Pukaw ni Jeremiah sa kanya. She nodded as her reply to his question. “Hintayin mo ako, tatawag lang ako sandali ng tricycle na sasakyan mo.”
She smiled and nodded. “Okay. Thank you, hon.” Nang makaalis si Jeremiah ay pinantayan ni Lucylyn ang anak para bilinan ito. “Brielle, anak… You know what to do, right? Do all your assignments while Papa is working. Huwag ka din malikot at magpasaway kay Papa habang wala si Mama lalo na at nasa shop ka. Please, be careful.”
Brielle nodded at her. “Yes po, Mama. Gagawin ko po ang mga bilin mo. Promise po.”
“Promise?”
Brielle happily nodded. She also reached her pinky, “Pinky swear, mama.”
Lucy locked their pinkies, “Pinky swear. I love you, my princess.”
“I love you, Mama.” And Brielle kissed her on the cheeks.
“Hon!”
Tumingin sa likuran si Lucylyn at nakita niya ang asawa na sakay ng isang tricycle na siyang sasakyan niya paalis.
Lucylyn stood up and glanced at her daughter once again, “Huwag mo kalimutan ang mga bilin ko, okay?”
“Opo, Mama. Ingat ka po. Ba-bye.” And Brielle waved her small hands.
“I will.” She smiled. “Thank you ulit, hon. Maiwan ko muna sayo si Brielle. Please, take care of our princess.” Jeremiah just nodded at her. “I need to go. Bye,” she bid her goodbye at agad na sumakay sa tricycle.
Bago pa umandar ang tricycle palayo ay pinigil niya ito. “Wait lang po, manong.” Dumungaw siya, “Umuwi kayong maaga at magluluto ako ng paborito ninyong dalawa, okay?”
Kitang-kita ni Lucylyn ang pagkinang ng mga mata ng dalawa, bakas sa mukha ng mga ito ang saya ng sabihin niyang lulutuin niya ang paborito ng mga ito. Napangiti si Lucy ng marinig niya ang magkasabay na pagsigaw ng dalawa ng ‘yes’.
Nang makarating si Lucylyn sa lugar kung saan sila magkikita ni Mrs. Dawson ay agad niyang hinanap ang pwesto nito. When she sat in front of Mrs. Dawson they start to talk so they can finish it after an hour. Hindi na siya makapaghintay pa na matapos ang kailangan nilang pag-usapan dahil gustong-gusto na ni Lucy na pumunta ng grocery store at bilhin ang mga kakailanganin niyang sangkap para sa hapunan nila ng asawa’t anak niya.
“Thank you for coming, Mrs. Romanova. I like the presentation you made for our business proposal. Hindi talaga ako nagkamali na pagkatiwalaan ka sa bagay na ito.” Mrs. Dawson stood up at inilahad nito ang palad sa kanya.
Lucylyn also has another job besides being an elementary teacher. She’s working in a small business that run by Mrs. Dawson. And her husband knew her second job. Kahit naman na dalawa ang trabaho ni Lucy ay hindi pa rin niya pinapabayaan ang anak at asawa niya.
Tumayo din si Lucy at inabot ang palad nito. “It’s my pleasure, Mrs. Dawson. I’m looking forward to hearing from you soon.”
Pagkatapos nilang magpaalam sa isa’t-isa ay agad na nilisan niya ang lugar at pumunta sa pinakamalapit na grocery store. It’s already 5:30 in the afternoon at unti-unting na din dumidilim ang kalangitan.
Pagpasok pa lang ni Lucylyn ng supermarket ay agad na siyang kumuha ng basket at sinimulan na kuhanin ang mga sangkap na kailangan niya sa Creamy Bacon and Mushroom Carbonara. Matagal-tagal na din kasi na hindi niya naluluto ang paborito ng mag-ama niya kaya naman naisipan niya na iyon ang lutuin ngayon.
“536 po, Ma’am,” ani ng cashier sa kanya.
Kumuha siya ng pera sa wallet at inabot iyon sa cashier. Nang iabot sa kanya ang sukli ay kinuha na niya ang plastic na naglalaman ng mga pinamili niya.
“Thank you,” she said.
Pumara siya ng tricycle na dumadaan. Nang makasakay ay agad niyang sinabi ang address ng bahay nila. May kalayuan iyon kaya naman halos kalahating oras din ang byinahe niya. Nang makababa siya ay malaki ang ngiti na tinungo niya ang pintuan ng bahay nila.
Ang malaking ngiti niya ay unti-unting napalitan ng pagtataka ng bumungad sa kanya ang higit sampu na sobre na nakaipit sa pintuan nila. Ibinaba niya ang mga bitbit bago niya ipunin ang mga sobre at pumasok sa loob ng bahay.
Dumiretso siya ng kusina para ibaba doon ang mga pinamili kahit ang mga gamit niya ay ibinaba na rin niya sa lamesa. Napatingin si Lucylyn sa mga sobre na katabi ng mga gamit niya.
She’s getting nervous.
Kinuha niya ang isang sobre at binuksan iyon. Halos mabuwal siya ng makita ang laman niyon. Ibinaba niya ang nabuksan na sobre at muling kumuha ng isa pa upang buksan. Tuluyan nang napa-upo si Lucylyn sa panghihina ng bumungad sa kanya ang notice na nagmula sa isang bangko na hiniraman ni Jeremiah ng malaking halaga. Naalala niya na ilang buwan na din silang hindi nakakapaghulog sa bangko kaya ngayon ay ginigipit na sila nito. Nanghihina ang mga tuhod niya dahil nagpatong-patong na ang mga utang nila na kailangan nilang bayaran. Tinapunan niya ng tingin ang mga natitirang sobre, natitiyak niya na halaga ng utang din ang laman ng mga iyon na kailangan na nilang bayaran.
Lucylyn wanted to cry in frustration.
Napahawak siya sa pisngi ng maramdaman niyang may malamig na bagay na pumatak sa pisngi niya. Tears. Mabilis niyang pinunasan ang magkabilang pisngi niya.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga. She’s trying to calm herself and when she succeed. Pinakawalan niya ang malaking ngiti sa mga labi niya.
“Everything will be fine, Lucylyn.” Nakangiti niyang sambit sa sarili. Everything will be fine. You’ll be fine…
Tumayo siya at nilinis ang lamesa. Inipon niya ang mga sobre at nilagay sa maliit na lamesa sa sala. At pagkatapos ay bumalik siyang muli sa kusina para simulan na ang pagluluto ng hapunan nila.
Hinugasan at hiniwa na niya ang mga kakailanganin niya. Sa kalagitnaan ng pagluluto ni Lucylyn ay bigla na lamang may kumatok sa pintuan nila na siyang nagpatigil sa kanya.
Wala siyang inaasahan na bisita kaya naman nagtataka siya kung sino ang maaaring nasa labas ng bahay nila. Kahit na nagtataka siya ay tinungo pa rin niya ang pintuan. Nang buksan ni Lucylyn ang pintuan ay bumungad sa kanya ang kanilang landlord na pabalik-balik ang lakad na tila hindi ito mapakali.
“Manang Ester…” Napatingin ito sa kanya ng tawagin niya ang pangalan nito.
Mabilis itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Magandang gabi, Hija. Pasensya ka na kung pumunta ako sayo ngayon ng ganitong oras.”
“Magandang gabi din po.” Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at ginabayan ang ginang papasok sa loob. “Halika muna po at pumasok tayo sa loob. Maupo ka muna po, Manang Ester.” Inalalayan niya ito hanggang sa maka-upo. “Sandali lang po at ikukuha kita ng maiinom.” Iniwan niya sandali ang ginang para pumunta ng kusina at ikuha ito ng maiinom.
Pagbalik niya ay dala na niya ang tubig nito. Ibinaba niya iyon sa lamesa na kaharap nito at naupo sa tabi nito.
Hinayaan muna niyang makainom si Manang Ester bago niya ito kausapin. Halata sa mukha ng ginang ang katandaan at hirap nito gayon pa man ay hindi pa rin nawawala ang maganda at mabait na awra nito.
“Hija, pasensya ka na. Alam ko na gipit din kayo ni Jeremiah pero kailangan ko kayo ngayon singilin sa upa. Isa pa ay ilang buwan na din kayong hindi nakakapagbayad ng upa. Pasensya ka na talaga… kailangan ko lang din ng pera para sa anak ko. Alam mo naman na laging nasasangkot sa gulo ang anak ko.” Paliwanag ng ginang sa kanya.
“Naiintindihan ko po.” She smiled, “hindi mo na po kailangan humingi ng pasensya.” Kinuha ni Lucylyn ang wallet niya at bumungad sa kanya ang isang libong piso. Iyon na lamang ang pera na natitira sa kanya. Kinuha niya ang pera at inabot iyon sa ginang, “Nahihiya ako, Manang Ester dahil ito lang ang kaya kong iabot sa iyo ngayon. Pasensya ka na po pero hayaan mo po bukas na bukas din po ay gagawa ako ng paraan para makapaghulog ng upa sa inyo.”
Mabait na landlord si Manang Ester. Malaki ang utang na loob ni Lucylyn sa ginang dahil nung kapos na kapos sila ay isa ito sa mga tao na tumulong sa kanya… sa kanila. Napakamaintindihin din nito. Kahit na hindi sila nakakapaghulog o bayad ng upa sa oras ay lagi silang iniintindi ni Manang Ester.
Tumango sa kanya si Manang Ester. “Maraming salamat, Hija. Hindi na ako magtatagal at baka naghihintay na sakin ang anak ko sa bahay.”
Inihatid ni Lucy ang ginang hanggang sa labas. Muli ay humingi siya ng tawad. “Pasensya na ulit, Manang Ester.”
Pinanood ni Lucylyn ang papalayong bulto ni Manang Ester. Nang mawala na ito sa paningin niya ay saka lamang siya pumasok ng bahay. Nanghihinang isinandal niya ang likod sa pintuan.
Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa asawa ang lahat. Gayon pa man ay kailangan niyang gumawa ng paraan para kahit papaano ay mabawasan ang utang nila.
“You need to be strong right now, Lucylyn. This is not the right time to be weak. You can do this, malalampasan mo din lahat ng ito para kay Brielle at Jeremiah. You can do this…”