Chapter 4

1257 Words
Chapter 4 Pagsapit eksakto ng alas syete ng gabi ay natapos na lutuin ni Lucylyn ang Creamy Bacon and Mushroom Carbonara na hapunan nilang mag-anak. Habang naghihintay siya sa mag-ama niya ay naisipan niyang maglinis muna ng bahay para libangin ang sarili. She was cleaning their small living room when she heard a car noise approaching. Tunog iyon ng luma nilang sasakyan. Mula sa bintana ay kita ni Lucylyn ang anak na nagkukumahog na bumaba ng sasakyan pagkahinto nito at tumakbo papasok sa loob ng bahay nila tila ba may humahabol dito sa kaka-apura nito. “Mama, I’m home!” Puno ng sigla na bati ni Brielle pagkabukas nito ng pinto. “Mama!” Tawag pa ulit nito sa kanya. “Anak, huwag kang tumakbo. Baka madapa ka!” Rinig niyang suway ni Jeremiah kay Brielle ngunit hindi nito pinakinggan ang ama at tuloy lamang ang anak sa pagtakbo. Isinauli niya ang hawak na panlinis sa lalagyan para salubungin ang anak at asawa. “I’m here,” she replied. Lucy laughs because of her daughter's cuteness. “Don’t shout. Gabi na baka magalit ang mga kapit-bahay natin dahil sa lakas ng boses mo.” Suway niya. “Come here, princess.” Tinulungan niya itong tanggalin ang bag sa likod nito. Tinanggal din niya ang mga pamusod at palamuti nito sa buhok. Pagkatapos niyang alisin lahat ng palamuti nito sa buhok ay humarap ito sa kanya. May malaking ngiti ito sa mga labi na kahit siya ay nahawa na at napapangiti na din. Seeing her princess smiling at her makes her happy and satisfied. Nakakawala ng pagod kapag nakikita niya ang anak. She knows that kind of smile… Her daughter is her daily dose of vitamins, every day. Malambing na niyakap siya ng anak. “Are you done cooking my favorite, Mama?” Brielle asked. Lucylyn hummed. “Hmm… Kanina pa. Ikaw na lang ang hinihintay ng favorite mo,” biro niya sa kausap. Lucylyn likes how warm and soft her daughter is. Lucylyn was still hugging her daughter. At nang pumasok si Jeremiah ay iyon ang naabutan nito. Kahit ang asawa niya ay napangiti dahil alam na alam nila kung bakit naglalambing ang anak nila. It’s very simple because she cooks her favorite, Creamy Bacon and Mushroom Carbonara. Only her Creamy Bacon and Mushroom Carbonara can make her daughter like this. Jeremiah looked at her, kaya naman ng magtama ang mga mata nila ay dahan-dahang nawala ang ngiti nito ng makita nito ang seryosong itsura niya. She peeked at the envelope on the table near him, and Jeremiah followed what he was looking at. Yakap ni Lucylyn si Brielle kaya naman wala itong ka-ide-ideya sa mga tinginan nilang mag-asawa. They need to talk about all their debts. Lucylyn broke the hug. Nagbaba siya ng tingin, hinimas niya ang ulo ng anak. “Anak, maglinis ka muna ng katawan at magpalit ng damit. Para nagpapalit ka ay ihahanda ko na ang paborito mo sa lamesa, okay?” Brielle jumps in happiness. “Yes! Yes! Mama cooked my favorite! Mama cooked my favorite!” Paulit-ulit na sambit nito habang papalayo sa kanilang mag-asawa. Nang maiwan si Lucy at Jeremiah sa sala ay saka sila mag-usap na dalawa. Magkaharap silang umupo sa isa’t-isa sa silya na naroroon. Ilang minuto na ang lumipas simula ng iwan sila ni Brielle sa sala pero wala pa rin balak magsalita sa kanilang dalawa. Perong katahimikan lamang ang bumabalot sa kanila sa mga oras na iyon. Lucylyn and Jeremiah were just silently staring at the envelopes on the table. Another minute passed and Lucylyn decided to start the conversation. “Dumating ako kanina… naka-ipit na ang mga iyan sa pinto. Notice mula sa bangko at mga bills na kailangan bayaran. Pumunta din kanina si Manang Ester para maningil ng upa sa bahay. Nagbigay ako kanina pero hindi pa rin sapat…” Tuloy-tuloy na sambit niya. Isa-isang binuksan ni Jeremiah ang mga sobre. Kita sa mukha ng asawa niya ang pagiging problemado at pagod mula sa trabaho. At kahit siya ay problemado na din dahil hindi na niya alam kung saan siya kukuha at manghihiram ng pera. Everything that’s happening to them is very tiring and exhausting. “May natitira pa ba?” Tanong ni Jeremiah sa kanya. Tipid siyang umiling. Ginulo ni Jeremiah ang buhok at mahinang nagmura. Wala nang natitirang pera sa kanya kung iyon ang tinatanong ng asawa niya. Tanging dalawang libong piso na lamang ang naitatabi niya na nakalaan para sa anak nila at hindi iyon sa sapat para bayaran ang mga utang nila. “Anong gagawin natin ngayon?” Balik na tanong niya sa lalaki. “Kanino tayo manghihiram? At kahit manghiram tayo sa mga kakilala natin ay hindi pa rin iyon sapat para ibayad sa bangko.” Masyado nang malaki ang utang nila sa bangko at hindi iyon madaling bayaran lalo na sa kalagayan nila ngayon. Tumayo ito at naglakad pabalik-balik sa harapan niya animo umiisip ito ng solusyon sa problema nila. “Si Maje… Tama si Maje, yung kaibigan mo. Baka may pera pa sya na naitatabi, pwede natin siyang hiraman.” Biglang sambit ni Jeremiah sa kanya. Maje is her only bestfriend and a sister in the heart. Tanging ito lamang ang kaibigan na meron siya. They have been best friends for almost 2 decades now and she’s very thankful to meet a person like Maje. Katrabaho din ni Lucylyn si Maje sa eskwelahan na pinagtatrabahuhan niya. Bumuntong hininga siya. “Marami na din tayong utang kay Maje.” “Pero baka pwede ka ulit manghiram sa kanya. Kaibigan ka niya kaya tiyak na kaya ka niyang pahiramin…” Umiling siya. “No, Jeremiah. Hindi na ulit tayo manghihiram kay Maje ng pera. Maraming tulong na ang binigay sa atin si Maje pero ngayon-” Jeremiah cut her first. “Huli na’to. Pangako gagawa ako ng paraan pero sa ngayon kailangan muna natin manghiram.” Tinalukaran niya ang lalaki sa asar niya. Hiyang-hiya na siya sa kaibigan niya lalo na at nakahiram na din siya dito ng pera at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iyon naibabalik. She knew her friend very well. Hindi siya nito matitiis kapag humiram siya, gayon pa man ay ayaw niyang abusuhin ang kabaitan nito. Nakatalikod siya sa asawa ng maramadaman niyang may yumakap sa kanya. “I’m sorry…” Hinging paumanhin nito sa kanya habang hinihimas nito ang kanyang magkabilang braso. “I’m sorry, hon.” Humugot siya ng malalim na buntong hininga. “We can do this right, hon? Malalampasan din natin ‘to, diba?” Sunod-sunod niyang tanong. Naramamdaman niya ang pagtango ni Jeremiah sa likuran niya. “Gagawa ako ng paraan. Kahit na ano gagawin ko para matapos na ang problema na’to.” Bumitaw ito mula sa pagkakayakap sa kanya at pinaharap siya. Jeremiah held her hand and squeezed it. “I’m sorry, hon. Hindi ito yung pinangako ko sa’yo na buhay nung nagsisimula pa lang tayo… pero eto tayo ngayon. Kung hindi dahil sa’kin hindi ka mahihirapan ng ganito ngayon, kaya-” Pinutol niya ang sasabihin nito. “Huwag mong sabihin iyan. Yes, nahihirapan ako pero alam ko na sa ating dalawa ikaw yung mas nahihirapan. We can get through this, hon. We can… We just need to stay on each other side.” She’s happy with her husband and daughter. And having them by her side makes her strong and stronger. She has the reason to fight all difficulties. Because they are my anchor during rough waves. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD