Chapter 5

1729 Words
Chapter 5 Hindi makatulog si Jeremiah sa dami ng laman ng isip niya. Kahit na anong pilit niya na matulog ay hindi siya dinadalaw ng antok kaya naman bumangon siya mula sa pagkakahiga at na-upo sa silya na nasa gilid katabi ng maliit na lamesa upang mag-isip-isip. Habang naka-upo ay wala siyang ibang ginawa kung hindi titigan ang asawa at anak niya na mahimbing na natutulog. He didn’t even notice the time that flies so fast. Problemado niyang sinkulay ang buhok. Jeremiah has been thinking of any solution to their problem but he can’t think straight. He took a deep, deep breath. He stared at the envelopes on the table for almost half an hour. Nang magsawa siya sa kakatitig sa sobre ay nagpasya siyang kunin ang mga iyon. Puno ng ingat na kinuha niya ang sobre at binuksan, iniiwasan niyang gumawa ng kahit na anong ingay upang hindi niya maabala si Lucylyn at Brielle sa kalagitnaan ng masarap na tulog ng mga ito. Tinuos lahat ni Jeremiah ang lahat ng utang nila. Nang matapos sa pagtutuos ay halos hindi na siya nabigla gayon pa man ay nakakapanghina dahil hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera sa loob ng isang araw para mabayaran lahat ng pagkakautang nila. “This is all my fault,” he said to himself because that’s the truth. May parte kay Jeremiah na lubos na sinisisi niya ang sarili kung bakit sila na baon sa utang. If he didn’t build his small automotive shop, this wouldn’t happen to them. Everything is his fault. Everything. Her wife, Luclyn, wala itong ibang ginawa kung hindi ang suportahan siya sa lahat ng gusto at nais niyang gawin. Laging nasa tabi niya ang asawa para suportahan siya lalo na nung nais niyang magpatayo ng maliit na automotive shop o talyer. Nung mga oras na iyon ay kapos na kapos sila pero nagawan pa rin ni Lucylyn ng paraan para makapag simula siya ng talyer. Ngunit talagang sinusubukan sila ng tadhana dahil isang buwan pa lang ang nakalipas ay biglang nalugi ang talyer niya. Dahil ayaw ni Jeremiah na isuko at hayaan na tuluyan mawala sa kanya ang pinaghirapan nilang mag-asawa ng ganun-ganun na lang kaya naman sinubukan niyang manghiram ng malaking halaga sa isang banko. Ang isang beses na panghihiram niya ay nasundan pa ng ilang beses. Sa mga desisyon niya ay wala siyang narinig sa asawa na kahit na anong pagtutol. Lahat ay sinang-ayunan nito. Napatigil si Jeremiah sa ginagawa ng may pumasok na alaala sa isip niya. Si Felix. Ang totoong dahilan kung bakit ito nasa talyer kanina na siyang pinag-usapan nila. Flashback… Jeremiah was busy repairing a car when another car entered his shop. Itinigil niya ang ginagawa para salubungin ang bagong dating na customer. Humanga si Jeremiah sa ganda ng sasakyan na papalapit sa kanya. Halata na mamahalin iyon at hindi basta-basta ang may-ari. When the car stopped, Jeremiah stared and examined how beautiful the car was. Bawat anggulo ng sasakyan ay hinahangaan niya. Napatingin si Jeremiah ng bumukas ang pinto ng kotse at bumaba doon ang may-ari. Halos malaglag ang panga niya ng makita niya kung sino ang may-ari ng naturang sasakyan. Anong ginagawa nito at bakit ito nagpunta sa talyer niya? Anong kailangan nito sa kanya? “Jeremiah, my friend,” Felix greeted him. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya dito at hindi niya pinapansin ang pagtawag nito sa kanya ng ‘my friend’ dahil unang-una ay hindi niya ito kaibigan. At malabo na maging kaibigan niya ang katulad ni Felix. Felix is a drug dealer. He’s also an ex-convict. And someone said that Felix is a gangster. In short Felix is a dangerous man. Kapag nalaman ng asawa niya na pinuntahan siya ni Felix at kinausap ay tiyak na magagalit ito sa kanya. At iyon ang bagay na pinaka-ayaw niya na mangyari. Hindi niya kayang makita na galit ito sa kanya. Ngumiti ng ubod ng laki sa kanya si Felix habang lumalapit ito sa kanya. “Nandito ako para tulungan ka… I know you need my help.” Naguguluhan si Jeremiah. Hindi niya maintindihan ang nais iparating sa kanya ng kausap. “What do you mean, Felix?” “Alam ko na kailangan na kailangan mo ng pera ngayon, kaya naman nandito ako para tulungan ka. I have an offer for you,” he replied with a smile on his face. Seeing Felix smiling at him like there is no tomorrow, isa lang ang sigurado siya. May alam ito sa nangyayari sa buhay nila para masabi nito na kailangan niya ng tulong at kailangan nila ng pera. He shook his head. “No. No. No, Felix. I know what you’re thinking right now. I will not do that.” My wife will kill me for sure. “No you don’t. Dahil kung alam mo talaga ay hindi ka tatanggi sa inaalok. This offer might change your life... in just one night your life will change.” Hindi agad nakasagot si Jeremiah sa sinabi ni Felix. “My offer is still available until midnight. You just need to come with us and we will take care of everything else.” Muli siyang umiling at tumanggi sa alok nito. “I don’t know…” Felix tapped his shoulder and squeezed it. “Pag-isipan mong mabuti, Jeremiah. Your daughter, Brielle. Your wife, Lucylyn. Maibibigay mo na lahat sa kanila… At higit sa lahat mababayaran nyo na lahat ng utang ninyo.” Felix offer is very tempting but no. Natitiyak ni Jeremiah na maaaring mapahamak siya kung tatanggapin niya ang offer na sinasabi ni Felix. Nakita niyang may hinugot si Felix na papel sa bulsa nito at pagkatapos ay inabot ito sa kanya. “Here. Tawagan mo ko kapag nagbago ang isip mo.” Tinapik ni Felix ang balikat niya. “Pag-isipan mong mabuti ang inaalok ko. Tandaan mo, maaaring magbago ang sa isang iglap ang buhay ninyo sa inaalok ko.” At pagkatapos nitong sabihin iyon ay iniwan na siya nito dahil dumating na ang asawa at anak niya. End of flashback… Nang maalala niya ang papel na ibinigay sa kanya ni Felix kung saan nakasulat ang numero nito ay agad siyang tumayo at hinanap iyon. Saan ko nga ba ulit iyon inilagay? Tanong niya sa sarili. Halos baliktarin na ni Jeremiah ang gamit niya sa paghahanap ngunit hindi pa rin niya makita ang papel. Sa hinubad na pantalon. Tama. Hinanap niya ang hinubad na pantalon sa isipin na baka doon niya naisuksok ang papel. Halos baliktarin na ni Jeremiah ang lahat ng bulsa ng pantalon niya para lang hanapin ang papel. Sa papel na iyon nakasalalay ang pagbabago ng buhay ng pamilya niya. Gusto magdiwang ni Jeremiah at tumalon sa tuwa ng makita niya ang papel na hinahanap niya. Nalukot na iyon sa bulsa ngunit nababasa pa naman ang nakasulat doon. Jeremiah gets his phone and dial the number. Ilang beses pa nag-ring ang telepono bago iyon sagutin ng nasa kabilang linya. “Hello?” Aniya ng sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya. “Hello, who is this?” Tanong ng kausap. “This is Jeremiah... Nandyan ba si Felix?” Sandaling tumahimik ang nasa kabilang linya. “Yes, si Felix ito.” “Is your offer still available?” he asked without a blink. “Of course, Jeremiah, my friend…” Sagot ng kausap. “Are you...” “Yes. Tinatanggap ko na ang offer mo.” Diretso niyang sagot at hindi na pinatapos ang sasabihin nito. “That’s great!” At nagdiwang si Felix dahil sa sinabi niya. “Be ready at 12 midnight. Susunduin ka ng mga tauhan ko sa harap ng bahay ninyo, okay?” Tumango siya kahit na hindi siya nakikita ng kausap. “Okay.” Pagkatapos niya ay pinatay na nito ang tawag. Jeremiah glanced at the wall clock. Meron pa siyang dalawang oras para gumayak. Habang naghihintay sa mga tauhan ni Felix ay niligpit niya ang mga sobre na ikinalat niya. He also changed his clothes. Tiyak na hahanapin siya ng asawa kapag nagising ito kaya naman naisipan ni Jeremiah na kumuha ng papel at panulat. Isinulat niya lahat doon maliban na lamang sa tungkol sa inaalok sa kanya ni Felix. At dahil ayaw na niyang pahabain pa ang sulat niya ay tinapos niya iyon sa ‘huwag itong mag-alala at pagbalik niya ay magiging maayos din ang lahat’. Itinupi niya ang sulat at inilagay iyon sa lamesa. Nang muling tumingin si Jeremiah sa orasan ay doon lang niya napansin na mag-a-alas dose na pala. Napabuntong hininga siya, napakabilis ng oras. Bago umalis si Jeremiah ay nilapitan niya ang asawa at anak. Na-upo siya sa bakanteng pwesto sa kama. Jeremiah smiled while staring at his wife’s face. “I’m sorry, hon. Sana ay mapatawad mo ako sa gagawin ko.” Hinawakan niya ang mukha ni Lucylyn. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok nito na humaharang sa magandang mukha nito. “Nangako ako sa’yo na gagawin ko ang lahat para mabayaran ang lahat ng utang natin at nang matapos na ang problema natin na ito. I’m so sorry. Sana ay maintindihan mo ako na para sa atin din ang gagawin ko na ito. Patawad at mahal na mahal ko kayo.” At hinalikan niya ang asawa sa noo, ganoon din ang anak niya bago siya tuluyan na lumabas ng bahay nila. Nang makalabas si Jeremiah sa bahay nila ay inilibot niya ang paningin sa buong lugar. Madilim ang buong paligid at tanging ang ilang street lights lamang ang nagbibigay ng liwanag sa lugar ang iba ay pakundap-kundap pa. Tahimik at tulog pa ang mga kapit-bahay nila kaya tiyak ni Jeremiah na walang makakakita sa kanya. Ilang minuto pa ang hinintay ni Jeremiah bago may huminto sa harapan niya na isang puting van. Bumaba ang salamin sa passenger side at bumungad sa kanya ang isang lalaki. “Ikaw ba si Jeremiah?” tanong nito sa kanya. Tumango siya. “Oo.” May sinenyasan ito sa loob na siyang nagbukas ng pocket door ng van. “Pasok na,” anas ng isang lalaki sa loob. Bago tuluyang pumasok si Jeremiah ng van ay sinilip pa niyang muli ang munting bahay nila kung saan ay naiwan ang asawa at anak niya na mahimbing natutulog at walang ka-alam alam na umalis siya. “Patawad, hon… Patawad.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD