Hindi mapakali si Andrea na nag papa gulong gulong sa kanyang kama habang inaantay ang pagbabalik ni Steep dahil mag alas dose na ay wala parin iyon. Iyon sana ang unang gabi na maging ganap na mag asawa sila pero wala ang asawa niya sa kanyang tabi. Pinaghalong kaba, excitement, takot at saya ang kanyang nararamdaman. Grabe , bakit ganito.. I should be happy. Nakuha ko na ang lalaking gusto ko.. Pero bakit parang lalo lang akong nasasaktan... Hindi maiwasan ni Andrea ang mapaiyak sa pag iisip sa pinag dadaanan nya ngayong araw.
Napabalikwas sya ng marinig ang sasakyan ni Steep na pumasok ng garahe. Tila nag tayuan lahat ng balahibo nya sa katawan dahil inaasahan nyang papasok iyon sa kwarto dahil iyon lamang ang nag-iisang kwarto doon. My Gosh! Tama ba 'tong napasok ko? Bakit parang hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko sa kanya... Nayakap ni Andrea ang kanyang sarili at lalong namayani ang kaba sa dibdib nito.
Nakaramdam sya ng kakaibang panlalamig sa kanyang buong katawan ang dalaga ng marinig ang pag katok ng binata sa kanyang kwarto.
"Sino yan?" Panigurado nya. Makikita naman sa kabilang dako ng pintuan ang lasing at nakakunot noong si Steep.
"The owner of this house." He said coldly at nakasandal na lang ito sa pinto dahil sa hilo. Huminga ng malalim si Andrea at saka dahan dahang lumapit sa pintuan at ng akma na nyang hahawakan ang doorknob ay may ibang boses syang narinig sa labas ng pinto.
"Hey, I told you to wait for me..." Malanding sambit ng babaeng boses na papalapit sa pintuan. Tila nanigas ang mga daliri ni Andrea. Tama ba ang naririnig ko? May ibang babaeng kasama ang asawa ko? Hindi nya naiintindihan ang kanyang nararamdaman kaya medyo natagalan pa ang pagbubukas nya ng pintuan.
"Hey, where's your key...?" Malanding tanong ng babae na halatang si Steep naman ang kanyang kausap. Nanlaki ang mga mata ni Andrea at di makapaniwala sa mga naririnig nya sa kabilang dako ng pintuan kaya wala sa sariling napihit nito ang doorknob at kusa na iyong bumukas. Agad na tumambad sa kanyang harapan ang magandang mukha ni Alyssa na nakahawak sa dibdib ng kanyang asawa. Tila sinakal ang kanyang dibdib ng makita ang kamay ni Steep na nakapulupot sa beywang ng dalaga at nakasubsob naman ang mukha nito sa leeg noon.
"Anong ibig sabihin nito?" Nagtitimping tanong niya. Ngumisi lang sa kanya si Alyssa at saka nito iginiya si Steep papasok sa kwarto. Hinintay na ni Andrea na nakaupo sa kama si Steep bago nya nilapitan ang dalagang kasama ng kanyang asawa.
"Sino ka sa buhay ng asawa ko?" Bigla siyang napaisip. Hindi kaya masyado siyang selosa? Pati ba naman ang idol niyo na si Alyssa pag seselosan nya? Nanlalaki ang kanyang mga mata ng ngumisi sa kanya ang dalaga at saka tumabi ito sa kanyang asawa.
"Ako lang naman ang babaeng laman ng puso ni Steep. You know, Andrea Woon, you are making this man miserable because of what you, and your father did. Tinanggalan mo sya ng karapatan na makasama ang taong totoo nyang mahal." Para syang binuhusan ng malamig na tubig sa lahat ng sinabi ni Alyssa. She did not expect na iyon pala ang babaeng minamahal noon na noon pa sinabi ng kanyang ama.
"I-steep.." Nanghihina ang kanyang boses na nakatingin sa asawa na hinihilot ang noo.
"Alyssa, go." Sambit ni Steep sa katabi nyang dalaga. Nakakunot ang noo noon at saka nag aalangan tumawa.
"What do you mean, Go?" Kunot noong nakangiti si Alyssa kay Steep.
"Go away. I didn't ask you to follow me here. You are not supposed to be here." Malungkot at boses na sambit ni Steep. Napansin ni Andrea ang lungkot sa mga mata ng lalaki at hindi niya mapigilan ang masaktan.
"What?! I am not supposed to be here?? Nagkakamali ka ng sinasabihan Steep! She shouldn't be here!" Sabay turo nito kay Andrea na tigagal sa isang tabi. "You don't even love that woman. I am willing to give up my career para sayo, you d--." Hindi na natapos ni Alyssa ang sasabihin nito dahil tumayo na si Steep at hinaltak ang kanyang braso palabas.
That's what you deserve b***h. Nasambit ni Andrea sa kanyang sarili.
"Hey you! Hindi pa tayo tapos. Babawiin ko ang para sa akin and you should get lost!" Pag babanta ni Alyssa bago tuluyang makalabas ng pinto.
Tila nanghihinang umupo si Andrea sa gilid ng kanyang kama at awtomatikong tumulo ang kanyang mga luha sa sobrang sakit na nararamdaman ng kanyang puso. Dali dali syang nagpunas ng kanyang luha at saka lumabas ng kwarto upang ipaghanda ang kanyang asawa ng makakain nito. She went straight to the kitchen and started heating the food she prepared earlier.
Couple of minutes passed, she went back to the living room to ask Steep to eat pero nagulat siya ng makita itong natutulog na sa sofa. Ayaw niyang gisingin ito kaya she just went back to the kitchen at niligpit lahat ng nilagay sya sa mesa and headed straight into the bedroom.
Yeah. Maybe I was wrong, pero I know mamahalin mo rin ako Steep Wilder. I know. She confidently said to herself and went to sleep. She has a long day tomorrow and she can't afford to have dark circles around her eyes.
----
"Stop dreaming that he will love you. He's been mine all along at hindi ang katulad mo lang ang nagpapabago ng nararamdaman niya."
Bumalikwas si Andrea at pawis na pawis sa napanaginipan nyang babaeng galit na galit na nakatingin sa kanya at may hawak na patalim. Mabilis na mabilis ang kalabog ng kanyang dibdib dahil sa kanyang panaginip. My gosh, that woman gives me creeps. Bulong niya sa kanyang sarili.
Napapitlag ulit siya ng tumunog ang telepono sa gilid ng kama at ng akmang kukunin na nya ito at bigla iyong tumigil. Narinig nya ang malaking boses ni Steep sa labas ng kwarto na tila may kausap sa telepono. Dahan dahan naman syang nag tungo sa gawi ng pinto at saka itinutok ang kanyang tainga dito to eavesdrop.
"Yes, I'm on my way. I apologize, wait for me there." Pagkatapos niya ay narinig na nya ang nagmamadaling yabag ng mga paa ni Steep patungo sa kanyang direksyon kaya nagmadali syang humiga sa kama at nagpanggap na tulog.
"Hey woman, I am going to work. If you are going outside make sure you lock the door and let me know where you're at, who you're with and what time you'll be back." Hindi gumalaw si Andrea at nagpapanggap parin syang tulog. "Wag ka ng magkunwari because I know you're awake. If you're not going to move your lazy ass there you'll be late and mom might replace you." Ng marinig niya iyon ay bigla siyang napadilat at nagmadaling tumayo at dumiretso sa sala. Hinahanap niya ang wall clock at mag aalas syete na nga. Damn I'm almost late. Wika niya sa sarili at ang tatakbo siyang patungo sa bathroom at naligo.
Ng makatapos ng mag ayos si Andrea ay naka alis na ang kanyang asawa ngunit may iniwan itong box ng cellphone sa ibabaw ng coffee table. Binuksan niya iyon at nakita niyang may text message agad sa inbox nya.
Mr. Wilder: I broke your phone accidentally so here is the replacement. Don't try to save a man's number here, beside your father and my father or I'll break it again. Accidentally.
Hindi malaman ni Andrea kung matatawa sya o maiinis sa text message na iyon. Mr. Wilder??? Ano to? Client ko? Papalitan sana nya ang pangalan niyon sa kanyang cellphone ngunit naalala nyang late na sya so she hurried and went to the studio. This is going to be a very long and tiring day!