Julia's POV Bigla akong napabangon nang may isang matigas na bagay ang tumalon sa paa-han ko. Pagkatingin ko, isang maleta. Nang mag-angat ako nang tingin, nakita ko si Tita Melisa na abala sa pagkuha ng mga damit ko na nakasabit. "Ano pong ginagawa mo, Tita?" Agad siyang napatingin sa akin dahil sa tanong ko. "Nakalimutan mo na ba? Pupunta tayong US," sabi niya at ibinalik ang atensiyon sa pag-aayos ng mga damit ko at inilagay sa maleta. Napatulala ako. Naalala ko ang nangyari kahapon. Mahal na mahal ko si Theo pero dahil sa ginawa niya, unti-unting umusbong ang galit ko sa kaniya. Walang hiya siya! Bumalik ang ulirat ko nang biglang dumampi ang kamay ni Tita sa pisngi ko at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko. "Ayaw kong makita kang umiyak." Sabi ni Tita Melisa dahilan para

