ISANG BUWAN na ang nakalipas simula nang umalis si Julia sa bansa. Hindi mapakali si Theo kakahintay sa pagbabalik ni Dylan. Hindi niya mapigilang kabahan dahil sigurado siyang kasama nito si Julia. Lagi pa ring tumatakbo sa kaniyang isip ang narinig niyang sinabi ni Georgina. Kasalukuyan siyang nakatambay sa teresa sa kaniyang kuwarto sa kaharian nang makarinig siya ng isang sigaw. Bilang isang bampira, rinig pa rin niya kahit gaano kalayo ang pinanggalingan ng sigaw. Agad siyang napatingin sa pintuan na bumukas at natatarantang pumasok dun si Brian. "Nandito si Jay Hearthstone," natataranta nitong sabi. Agad siyang napatakbo palabas. Nang mahanap kung saan ang pinanggalingan ng sigaw, nakita niya si Jay na kagat-kagat pa rin ang leeg ng ordinaryong bampira na babae. Nang makita ni

