Julia’s POV Pagkapasok ko pa lang ng gate ng Blackwell, nagulat ako sa biglang pagsulpot ng Vrey twins sa harap ko. "Anong kailangan niyo?" Tahimik lang sila at nagtinginan sa isa't isa na para bang nagsi-senyasan kung sinong sasagot sa tanong ko. Bumuntong-hininga si Baron at nagsalita. "Wala lang. Gusto lang namin makipag-friends sayo," nakangiti niyang sabi. "Ah, sige. Mauuna muna ako." sabi ko at naglakad paalis sa harap nila. "Wait! Sabay kami!" rinig kong sigaw ni Christian. Napatingin naman ako sa paligid, may nagtitinginan na naman sa amin. Napayuko na lang ako at binilisan ang paglalakad. Nakarating ako sa room na nakayuko pa din. Pumunta ako sa seat ko kung saan katabi ko si Theo at Dylan. Namimiss ko na silang dalawa. Ang pinakaunang minahal ko at ang pinakauna kong best

