Julia's POV Nagising ako na nandito na sa kuwarto ng unit ko. Napahawak ako sa sentido ko na kumikirot. Ang naaalala ko ay nahimatay ako sa Forbidden Garden. Paano ako napunta dito? "You're awake?" Napatingin ako sa nagsalita. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung sino ang nagsalita. Si Tita Melisa. Ang Tita kong nag-alaga sa akin. Ang Tita ko na may-ari ng unit na'to. "T-Tita?" tangi kong nasabi at napatakbo sa kaniya para yakapin siya. Ngayon ko lang napagtanto na nakalimutan ko ang Tita ko nang makilala ko si Theo. Namiss ko ang Tita ko. "The one and only," rinig kong sabi niya at niyakap din ako pabalik at mahigpit. Hindi ko napansin na napaluha na ako. I missed my Tita, a lot. Dati tuwing malungkot ako at feeling ko ay nag-iisa ako, si Tita ang laging nagpapasaya sa akin

