"Hello! Los Angeles!" Niyakap ko ang sarili ko dahil hindi ako handa sa lamig ng klima sa bansa. Nakalimutan namin na winter pala sa Amerika. "Let's go! Sumakay na tayo ng sasakyan!" wika ni mommy. Nang sumakay kami ng kotse ay niyakap namin ang kambal naming anak. Kahit makapal ang suot nila ay baka lamigin pa rin sila. "Nagpaluto ako ng bulalo sa cook namin na isang filipino ofw, kaya tamang tama ang dating natin," wika ni mommy. "Balae, sa bahay muna kayo manatili kahit isang linggo para mapag-usapan natin maigi ang kasal ng mga anak natin. Gusto nilang magpakasal dito sa Amerika," wika ni tito Roco. Nakangiti si Trixie at Brix, nang tumingin ako sa kanila. "Kayong dalawa? Wala ba kayong plano na bumili ng bahay dito sa Amerika? Baka gusto n'yong dito na lang tumira?" wika ni mom

