Dahan-dahan akong naglalakad pasilyo ng simbahan na may pulang carpet. Ang bawat paligid ay punong-puno ng mga bulaklak. At ang mga tao ay pawang nakangiti sa akin. Bakas sa mukha nila ang labis na saya. Habang naglalakad ako sa papunta sa altar ay bumibilis naman ang t***k ng puso ko na parang nais kong makita ang lalaki sa na naghihintay sa akin sa altar. Nang nasa tapat na ako napansin kong blurred ang mukha ng lalaki. Gayunpaman ay mababakas ang ngiti sa kanya. "And now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride," sabi ng pare. Inalis ng lalaki ang belo ko, samantalang ako ay nakatingin sa kanya. Nais kong makita ang mukha ng malapitan. "I love you, La— "Celestina!" Nagising ako sa malakas na sigaw ng landlady ko kaya napabalikwas ako ng bangon. Napakamot ako sa bato

