ALAS-OTSO pa lang ng umaga ngunit sobrang sakit na sa balat ng araw, kahit na nga nakasuot ako ng makapal at mahabang damit. Halos mata na lang ang nakikita sa akin habang nagtitinda ako ng isda sa gilid ng dalampasigan. Madaling araw pa lang ay marami ng mga tao na nag-aabang ng isda para itinda. Mabuti na lang at may sariling bangka ang tatay ko kaya siya na lang nangingisda at sinasama na lang niya ang kumpare niya sa laot. "Celestina!" Ngumiti ako. "Suki! Halika at marami akong tindang isda ngayon," sabi ko. Ang suki ko na si Cheska ang lumapit sa akin. May negosyo siyang car wash at puwesto sa na isda at karne. Sa akin siya bumibili ng isda at pinapatinda niya sa mga trabahador niya sa palengke. "How are you?" tanong niya. Ngumiti ako."I'm good. Today, I have an abundance of fre

