"Nabuhay ka!" pabirong sabi sa akin ng kaibigan kong si Devon nang buksan niya ang pinto ng condo niya. Isang matamis na ngiti ang tinugon ko sa kanya. "Well, namiss kita kaya nandito ako." Lumapit ako sa kanya para halikan sa pisngi ngunit umiwas siya sa akin. "Hoy! Tiboli ka ba?" Natatawang hampas niya sa akin sa balikat. "Aray!" Sabay hawak ko sa braso ko. "Pumasok ka na, maghahanda lang ako ng pagkain. Tamang-tama at may mga left over akong pagkain. Ang dami kasing pagkain kagabi na hindi naubos," wika ni Devon. Humilata ako sa malambot na kulay pink niyang sofa. "Bakit ka naghanda?" sabi ko habang nakatingin ako sa hawak kong phone. "Birthday ni Kristina kahapon," malungkot niyang. Huminto ako sa ginagawa ko at lumapit sa kanya. "I'm sorry, nakalimutan ko masyado akong naging b

