DAHAN-DAHAN kong tinanggal ang kamay ng babae kasama ko. Hindi siya puwedeng magising dahil ayokong magkaroon kami ng komunikasyon. Halos hindi na nga ako huminga para lang hindi siya magising. Nang tuluyan na akong makaalis sa kama ay pinulot ko ang mga damit ko na nahulog sa sahig. "You're good in bed, Cat girl!" sabi ko habang nakatingin ako sa babae na natutulog. Nagbihis ako ng damit at umalis ng hotel. Sa Bachelor pad na lang ako maliligo. Hindi naman kalayuan ang pad ko sa hotel na ito. Habang binabagtas ko ang daan papunta sa pad ko. Tumawag naman sa akin si Jacob. Si Jacob ang nag-iisang kaibigan ko. "Yes? Nagda-drive ako." Narinig kong umiiyak siya sa kabilang linya. "Are you free today?" "What's wrong? Nag-away ba kayo ni Laura?" "No. She left me," malungkot na sabi ni

