ALFREDO’S POV “Tang ina! Bakit n’yo hinayaan na mapahamak ang sasakyan na may dala kay Laura?! Mga bobo talaga kayo!” sigaw ko. Nakayuko silang lahat matapos naming matakasan ang mga pulis, ngunit hindi naman nila nakuha si Laura. dahil nahulog ang sasakyan nito sa pababa ng gubat dahil nabaril ang mga sakay na ito. “Sorry, boss, ang daming mga parak na humahabol sa amin at maraming checkpoint na dadaanan kaya hindi namin sila natulungan,” wika ng isa sa mga tauhan ko. “Hayop talagang Laura ‘yan!” Hinagis ko ang mga gamit na nakikita ko habang nakatayo ang mga tauhan ko. “Boss, anong gagawin natin ngayon?” Matalim ko siyang tinitigan. “Anong gagawin ng bobo na katulad mo? wala kayong silbi!” sigaw ko. Naglakad ako papasok ng kuwarto at nagsindi ng sigarilyo ko saka sunod-sunod ko it