“ARE YOU READY?” wika ni Jacob habang nakangiti sa akin. Tumango ako. “Excited na akong makita ang mga anak natin.” Kinuha ni Jacob ang bag ko na naglalaman ng mga damit ko. Ngayon araw ako ilalabas sa hospital at kahit hindi pa ako tuluyang magaling ay inilabas na ako dahil si Dr. Ben ang personal na mag-aalaga sa akin habang nasa mansyon. May silid sa mansyon ang naging clinic ni Dr. Ben. kaya pinayagan na akong makalabas. “Siguradong matutuwa sila kapag nakita ka nila. Hintayin lang natin ang nurse na may dalang wheelchair para maghatid sa ‘yo hanggang sasakyan. Nasa labas na rin ang mga pulis na maghahatid sa atin.” “Kaya ko naman maglakad papunta sa parking lot.” Umiling si Jacob. “Kaya mo nga pero baka mapagod ka. Hintayin na lang natin sila para hindi ka mapagod maglakad.” Tum