“Mama, nakita n’yo ba si Jacob?” tanong ko sa biyenan ko nang puntahan ko siya sa garden niya. Isang buwan na ang nakalipas mula nang mahuli si daddy. Ngayon ay nasa bilangguan na siya kasama ng mga tauhan niya. Si Atasha naman ay bumalik sa ibang bansa pagkatapos niyang ipalibing ang kapatid niyang si Amelia. Naging maayos na rin ang buhay ni Ferdinand sa ibang bansa dahil nagtrabaho siya sa kumpanya ng kamag-anak niya. Hindi na siya ang boss ngayon pero masaya na siya sa ginagawa niya ngayon. Masaya ako dahil naging maayos na ang lahat sa amin. Huminto ang biyenan ko sa pagdidilig ng halaman niya. "Hindi ba sinasabi sa iyo kung saan siya pupunta? Umalis siya ng maaga." Umiling ako. "Tatlong araw kaming hindi nagkakausap ngayon." "Magkaaway ba kayo?" Umiling ako. "Wala naman akong n