"Laura, wake up," pabulong ni Jacob, na kasamang yakap at halik sa aking leeg. Imbes na bumangon ako ay niyakap ko siya ng mahigpit saka muli kong ipinagpatuloy ang tulog ko. "Gusto mo bang hindi na lang tayo pumunta sa outing natin kasama ng mga kaibigan?" "Anong oras na?" tanong ko. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. "Oras na para bumangon ka dahil alas-siyete na ng umaga. Kung hindi ka pa babangon ay baka hapon na tayo makakarating sa Boracay Island." "Give me ten minutes." "Okay." Sabay halik niya sa akin sa labi bago bumangon. Akala ko ay makakatulog pa ako sa sampung minuto na hiningin ko sa kanya pero hindi na pala. Inilagay niya sa tabi ko ang mga anak ko kaya hinampas at sinabunutan ako ng dalawa. Ginawa akong laruan ng dalawa. "Hays! Pasaway talaga kayo." Napakamot na lan

