"Laura!" tawag sa akin ni Trixie. Nang puntahan niya ako sa mansyon. May dala siyang isang box na pizza. Ngumiti ako sa kanya. "Hi! Kumusta?" tanong ko, pagkatapos naming magbeso-beso. "I'm good. Ang laki ng mga anak mo." Sabay tingin niya sa kambal na nasa kuna. Nasa terrace kami ng bahay at nagpapahangin. Ngumiti ako. "Yes, makukulit na rin sila ngayon." "Sana magkaroon na rin ako ng katulad ng ganyan mga makukulit na anak." "Hayaan mo mabubuntis ka rin maghintay ka lang at magkakaroon din kayo ni Brix." "Hays! Gusto ko ng magkaroon kami ng anak para yayain ko siyang magpakasal. Alam ko masyadong mabilis pero siya na kasi ang gusto kong makasama habang buhay." "Natatakot ka ba na ba iwan ka ni Brix?" Tumango siya. "Natatakot ako na baka makahanap siya ng iba." "Alam mo ayokon

