JACOB'S POV Halos panawan ako ng ulirat nang mahawakan ko ang dugo sa likod niya. Tumulo ang luha ko sa pisngi. "L-Laura." Sa kabila ng sakit na nararamdaman niya ay nagawa niyang ngumiti. “J-Jacob, mahal na mahal kita." “Laura!" sigaw ko habang yakap ko siya. Punong-puno ng dugo ang kamay ko. Nang tumingin ako kay Alfredo ay wala na itong buhay. Ilang tama ng baril ang tumama sa katawan niya ng mga pulis. "Tulong! Tulungan niyo ang asawa ko!" binuhat ko si Laura at dinala ko sa sasakyan ko upang pumunta sa hospital. Hindi ko na mahihintay na dumating ang ambulansya. Sumunod naman sa akin si Brix at siya ang nag-drive papunta sa pinakamalapit na hospital. "Laura! Please, 'wag kang susuko." Hagulgol ko ng iyak. Ngayon lang ako natakot ng ganito. "Brix, bilisan mo pa!" sigaw ko. "Mabi

