TIMOTHY'S POV HUMINGA ako ng malalim habang nakatingin ako sa side-mirror view ng sasakyan ko. Nakatingin ako kay Arianne na nakatayo sa labas. "I'm sorry, sweetheart, you don't need to know about me yet." Hindi ko puwedeng sabihin sa kanya nasa isa akong mafia boss hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang pumatay kay Karina. Walang alam si Arianne, pero pinapakilos ko na ang mga tauhan ko para malaman kung sino ang pumatay kay Karina. Gusto kong iregalo sa kanya ang hustisya ng matalik niyang kaibigan. Dahil walang masyadong sasakyan sa ganitong oras kaya ang bilis ng takbo ng sasakyan ko. Tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito. "Brando." "Boss, nandito na kami sa hideout. "Mabuti naman kung gano'n." "Boss, dumating na ang mga kargamento ilalagay na ba natin sa sasakyan?" "Hint

