#15 The Mafia Son's Obsession

2539 Words

NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang kalabog ng pinto. Bumangon ako dahil wala si Timothy sa tabi ko kaya lumabas ako ng kuwarto. Natanaw ko siyang palabas kaya hinabol ko siya pero hindi ko na naabutan dahil sumakay na siya sa kotse. "Saan kaya siya pupunta?" Pumasok ako sa kuwarto para kunin ang susi ng kotse ko pero paglabas ko ay nakaalis na siya. Gusto kong siyang tawagan pero kapag ginawa ko 'yon ay malalaman niyang nahuli ko siyang nagigising sa madaling araw. "Bwiset na lalaki na Timony na 'yon may iba siguro siyang babae." Inis ko. Naghintay pa ako ng higit isang oras ngunit walang Timong na bumalik kaya naisipan kong bumalik sa kama para matulog ulit. "Good morning, Sweetheart!" Hinalikan niya ako sa noo nang magising ako. Nakasimangot ako dahil naalala kong umalis siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD