"Anong ginawa natin dito?" tanong ni Devon. Magkasama kaming dalawa papunta sa puntos ni Katrina. "Bisitahin natin si Katrina." "Alam kong bibisitahin natin siya pero bakit biglaan naman yata?" "Huwag ka na lang magtanong dahil siguradong hindi mo naman maiintindihan kahit sabihin ko sa 'yo." "Arianne, sabihin mo na sa akin kung bigla na lang tayong dadalaw kay Katrina. Nagtataka ko sa 'yo dahil dapat nasa honeymoon pa kayo ni Timothy. Huminga ako ng malalim. "Alam ni Timothy na kaibigan tayo ni Katrina." "Paano niya nalaman? Ibig sabihin alam niyang maghihiganti tayo sa kanya?" Tumango saka tinuon ang tingin sa kalsada ako kasi ang nagda-drive. "Hindi ka pa nagsisimulang akitin siya pero alam na niya agad ang plano mo." "Hindi 'yon ang iniisip ko." "Anong iniisip mo? Alam na n

