"Good morning!" bungad kong bati sa magulang ko nang lumapit ako sa kanila. Umupo ako sa tabi ni mommy para kumain ng almusal. Halos isang buwan na rin akong nasa bahay dahil sa pag-aasikaso ng kasal ko. "Good morning, Arianne," sagot ni mommy. Tumahimik ako at kumain. "Arianne, saan n'yo balak mag-honeymoon ni Timothy?" tanong ni daddy. Inikot ko ang eyeballs ko sa sinabi ni daddy. Walang araw na hindi nila bukang bibig ang kasal namin. Nakakarindi at nakakapikon na ngunit hindi ko naman magawang magreklamo. "Dad, hindi na pinag-uusapan ang honeymoon marami akong dapat gawin pagkatapos ng kasal." "Gusto ko lang malaman dahil balak ko na 'yon ang iregalo sa inyo." "Mahal, siguro mas maganda kung si Timothy na lang ang tanungin natin. Alam mo naman si Arianne, hindi mahilig mag-tra

