TIMOTHY'S POV MASAKIT ang ulo ko dahil sa hangover. Ang dami kong nainom na alak kagabi kaya naman kulang na lang pukpukin ko ang ulo ko. Nakapikit ako ngunit kinakapa ko ang phone ko para sagutin ang pesteng caller na nambubulag sa akin. May nakapa akong malambot kaya dinilat ko ang mga mata ko. Nakita kong dibdib ng babae ang nakapa ko. "s**t!" Sabay hawak ko sa ulo ko. Nakalimutan kong may kasama pala akong babae sa loob ng bachelor pad ko. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. "Hello!" sabi ko nang sagutin ko ang tawag. "Hoy! Timong! Anong oras na!" Sumimangot ako. Siguradong masisira ang buong maghapon ko dahil nakausap ko ang bwiset na si Arianne. "Bakit ka ba tumawag na miss mo ba ako?" Sinikap kong pakalmahin ang sarili ko para siya ang mainis sa akin. "Huwag kang ambisyoso.

