HINDI na maipinta ang mukha ko habang kaharap ang lalaking sobrang kapal ng mukha. Masyado niyang pinagyayabang na guwapo siya kahit ang totoo naman ang sinabi niya. Malapad ang katawan niya, matangkad at kulay brown ang mga mata niya, medyo chinito siya kaya kapag ngumingiti ay talagang nakakadagdag sa kanyang s*x-appeal. "Alam mo Karate Girl, sayang ka maganda ka pa naman kaya lang masyado kang matapang." Sabi niya habang hawak niya ang kamay ko. Matalim ko siyang tinitigan. "Let me go!" Inis kong sabi sa kanya. Ngumisi siya. "Paano kung ayaw ko may magagawa ka ba?" Sabay tingin niya sa labi ko. Lumunok ako dahil kanina lang ay hinalikan na niya ito. "Ang tamis ng halik mo." Sabay halik niya sa akin. "Uhmm! Damn" sambit ko. Lahat na yata ng alam ko pagdating sa martial arts ay

