TIMOTHY'S POV "Masaya ako dahil wala ng magiging problema sa inyong dalawa ni Laura," sabi ko habang kausap si Jacob. Sa dalawang taon na umalis si Laura ay bumalik na ulit ito sa piling ni Jacob. Ngunit hindi naging madali sa kanila ang lahat dahil bago nila nakamit ang ligayang nararamdaman nila ngayon ay pinagdaanan nila ang matinding pagsubok ng buhay nila. Patay na ang kinikilalang ama ni Laura kaya wala ng magiging hadlang sa relasyon nilang dalawa. Nakapiling na rin ni Laura ang nanay niya na inakala niyang patay noon. Malapad na ngumiti si Jacob sabay takip sa akin sa balikat. "Hindi ko akalain na tinanggap mo ang alok ng dady mo na maging isang mafia boss dahil sa akin. Habang buhay kong tatanawin na utang na loob sa iyo ang ginawa mo sa amin." "Psh! Kahit anong gawin kong pag

