NAGISING ako na tila may nakadagan sa bewang ko kaya idinilat ko ang mga mata ko. Pag-angat ko ng mukha ay nagulat ako sa katabi ko. "What the hell!" Sisipain ko sana ang lalaki ngunit bigla kong naalala ang nangyari kagabi. "s**t!" Tiningnan ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot at gayon na lang ang panlulumo ko dahil wala akong suot na damit. Nakita ko rin na nakakalat ang suot kong damit sa sahig. "Ano bang ginagawa ko?" Kung puwede nga lang saktan ang sarili ko dahil sa katangahan ay ginawa ko na ngayon. Sa loob ng twenty-five years kong nabubuhay sa mundo sa maling tao ko pa ibinigay ang matagal kong iningatan. Muli kong pinagmasdan ang lalaking wala rin saplot at mahimbing na natutulog. Gusto ko sanang alisin ang maskara niyang suot ngunit baka bigla itong magising. Dahan-dahan ako

