MUGTO ang mga mata ko sa kaiiyak ng buong maghapon. Sobrang nalulungkot ako sa paghihiwalay namin ni Timothy, ngunit kailangan kong panindigan ang desisyon ko para sa anak namin. "Bakit kung kailan mahal ko na siya saka ko pa nalaman ang sikreto niya?" Sabay punas ko ng luha. "Arianne! Buksan mo ang pinto!" boses ni mommy habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Hindi ako nag-aksaya ng oras para buksan ang pinto. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumukas na ito at pumasok si mommy. "Arianne, umiiyak ka na naman baka makasama sa anak mo 'yan." "Huwag mo na lang akong pansinin." "Paanong hindi kita papansinin? Bigla ka na lang nag-alsabalutan sa inyo at pumunta ka rito na hindi namin alam ang dahilan. Tinatawagan namin si Timothy, ayaw naman magsalita." Pinunasan ko ang luha ko. "Mom, n

