ILANG-BESES kong sinipat ang relong pambisig ko habang nakatanaw sa labas sa pinto ng bachelor pad. Hinihintay kong dumating si Timong. Kanina pa ako tumatawag sa kanya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kanina pa umiinit ang ulo ko sa sobrang inis kay Timothy. Ilang beses ko na rin inisip ng sasabihin ko sa kanya kapag dumating siya. "Nasaan na kaya ang lalaki na 'yon?" Hindi ako nagluto dahil ang sabi kanina ay may dala siyang pagkain pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Biglang tumunog ang doorbell kaya tumayo ako para buksan ang pinto. Ngunit bago ko iyon ay sinilip ko muna kung sino ang nasa labas sa cctv camera. "Bakit nandito si Mommy?" Binuksan ko ang pinto at bumunta sa akin si mommy. "Kumusta ka na anak?" Nakangiti niyang sabi. "Bakit kayo nandito?" Hindi na

