TIMOTHY'S POV ILANG-BESES kong tinawagan ang phone ni Katrina ngunit hindi siya sumasagot sa tawag ko. Halos dalawang linggo na akong walang balita sa kanya mula nang tanggihan ko ang pag-ibig niya. Nakahiga ako sa Jacuzzi at nagre-relax nang muli kong alalahanin ang muli naming pag-uusap ni Katrina. "I'm falling in love with you," sabi niya habang nakaupo kami sa sofa. Tumingin ako kay Katrina sabay tawa. "Are you crazy?" ""I love you, I'm serious." "Look, you know why I granted your request? gusto mong maging masaya sa mga nalalabi mong oras sa mundo. Pinagbigyan lang kita sa gusto mo." Hinawakan niya ang kamay ko."I've fallen in love with you, and I'm willing to wait for you to learn to love me." "Katrina, I'm not ready for a serious relationship; you know how many women I've dat

