"Sissy!" tawag sa akin ni Brix. Seryoso ang mukha niya habang papalapit sa akin. Huminto ako at sumenyas kay Jacob na maunang sumakay sa kotse. Papunta kami ngayon ni Jacob sa kumpanya dahil sa mga meetings namin. "Yes?" "Sissy, sigurado ka na bang magpapakilala ka na?" Tumango ako. "May dapat pa ba akong hintayin?" "Nakalimutan mo na ang sinabi ni tita Gellie?" "Hindi ko nakakalimutan ang sinabi niya. Gusto ko lang sulitin ang oras na kasama si Jacob." "Ang akala ko ba ay galit ka sa kanya?" "Galit ako sa kanya pero asawa ko pa rin siya. Hindi ko puwedeng hayaan na maging masaya ang babae niya." Bumuntonghininga si Brix. "Nag-aalala ako sa iyo dahil baka bumalik ulit ang nangyari noon." "Nahuli na ang taong gustong pumatay sa kanya at nagpabagsak sa kanya, kaya wala na sigurong