JACOB POV: HALOS patayin ko ng tingin ko si Brix sa inis ko. Naubos na namin ang tatlong bote ng beer ngunit hindi pa rin niya sinasabi ang totoo tungkol sa kanilang dalawa ni Laura. "Sabihin mo na ang totoo bago ko basagin ang mukha mo." Inis kong sagot. Mas lalo akong nainis sa kanya dahil tinawanan lang niya ako. "Hindi mo kayang basagin ang mukha ko dahil gawa ito sa adobe. Baka 'yan kamay mo ang sumuko." Ininom pa niya ang beer sa bote. "Sabihin mo na ang totoo bago ako tuluyang maubusan ng pasensya." "Huwag kang magalit kay yummylicious," anito. "What? Sinong yummylicious?" Pang-asar siyang ngumiti. "Si Laura." "Son of a b***h!" Kahit kailan wala kaming naging endearment ni Laura, pero itong si Brix masyadong bastos ang tawag kay Laura. Totoong masarap si Laura, at dapat ak