JACOB'S POV: MAHIGPIT kong niyakap si Laura na parang ayoko na siyang bitawan. Mahigit isang taon akong nangulila sa kanya iyon pala ay siya pala ang tumutulong sa akin. Pinisil ko ang kamay niya at hinalikan. Kulang na lang ay pababain ko ang driver ni Laura para ako na ang mag-drive pauwi. Nababagalan kasi ako sa takbo ng sasakyan namin. Gustong-gusto ko ng masolo ang asawa ko. Kumalas siya sa pagkakayakap at bahagyang lumayo sa akin. Kumunot ang noo ko. "Why?" Ang laki ng pagbabago niya ngayon. "Huwag mo akong yakapin pinagpapawisan ako." Sabay iwas niya sa akin ng tingin. Huminga ako ng malalim. "Okay." Hindi naman mainit dahil malakas naman ang aircon sa loob ng kotse. Hindi kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa mansyon. Nagulat pa ang mga security guard nang makita si L