"MA'AM!" tawag ng katulong sa akin. Huminto ako sa pagkain saka tumingin sa kanya. "Bakit, manang?" "May bisita po kayo si mama Lourdes." "Papasukin n'yo siya tatapusin ko lang ang pagkain ko." Pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang pagkain. Alam kong nagulat ang biyenan ko nang umalis ako sa mansyon dahil hindi ko sinasabi sa kanya na umalis ako ng mansyon. Nang matapos akong kumain ay pinabantayan ko sandali ang mga anak ko sa mayordoma namin. Tulog naman sila kaya hindi ito mahihirapan na bantayan. "Laura!" Tumayo siya at sinalubong ako. "Mama." Humalik ako sa kanya. "Laura, anak bakit bigla kang umalis? Hindi mo sa akin sinabi na aalis ka? Ano ba ang nangyari?" Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala. "I'm sorry, pero napag-isip kong hindi na kailangan malaman ni Jacob na m