JACOB'S POV: "Mr. Delmonte, are you free tomorrow night?" tanong ni Mr. Licencio, nang matapos kaming mag-usap. Pinapunta ko siya sa mansyon dahil hindi ako pumunta sa kompanya. Hinigop ko muna ang mainit na kape habang naka-de-kwatro akong nakaupo. "Why?" Bahagya pang umangat ang kanang kilay ko sa sinabi niya. "Gusto ko sanang imbitahan ka sa birthday party ng anak kong si Trixie." Sumimangot ko. "Sinabi ko na kay Trixie na hindi ako pupunta sa birthday party niya dahil marami akong importanteng gagawin," alibi ko. Ang totoo ay wala naman akong gagawin. Ayoko lang pumunta sa party. Mas gusto kong matulog kaysa sayangin ang oras sa walang kuwentang bagay. Biglang lumungkot ang mukha ni Mr. Licencio. "Sayang naman kung hindi ka pupunta. Si Trixie, ayaw niyang ituloy sa party niya